Malugod na pagtanggap sa inyo dito sa Family Self-Help Center, isang libreng pangmalawakang serbisyong pangestado mula sa Alaska Court System na tumutulong sa mga taong kumakatawan sa kanilang mga sarili sa mga usapin/kasong nauukol sa batas pampamilya. Maaari kayong makakuha ng mga impormasyon ukol sa mga pamamaraan ng hukuman at pormularyo/ forms para sa mga usapin /kasong nauukol sa batas pampamilya sa website na ito o kaya’y tumawag sa teleponong Helpline. Ang impormasyong ito ay makakatulong sa mga tao upang lutasin sa hukuman ang kanilang mga alitan na ukol sa batas pampamilya at sumulong ang kanilang mga usapin/kaso nang mabilis.
Ang Center ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa Diborsiyo, Pagbubuwag, Pangangalaga, Pagka-ama, Pagsuporta sa Anak, Karahasang Pantahanan at sanggunian ng impormasyon ukol sa Pag-aampon, Pagpapawalang-bisa, Pagpapalit ng Pangalan, Pagpapalaya, Mga Karapatan ng Lolo o Lola, Legal na Paghihiwalay, Pawer of Atorni at Mga Instruksiyon sa kalusugang Pangangalaga at Taga-pangalaga/Pagsasaalang-alang.
|
BASAHIN ITO KUNG KAYO AY MAY MGA ANAK!
May batas na nakakaepekto sa pagpapasya ng pangangalaga at pagbibisita kung nagkaroon ng karahasang pantahanan na namagitan sa mga magulang. Sinasabi ng batas na ang magulang na nakagawa ng karahasang pantahanan ay maaaring hindi mag-alaga o bumisita hangga’t hindi niya natutupad ang ilang mga kailangan gaya ng matagumpay na pagtatapos ng interbensiyon para sa nangugulpi o pagpapagamot dahil sa pag-aabuso sa paggamit ng droga. Malawak ang paliwanag sa karahasang pantahanan sa Batas ng Alaska 18.66.990 (3). Ang batas ay hindi nangangailangan ng Utos Proteksiyon o mga sakdal upang maisagawa ang mga kinakailangan. Ang diborsiyo o pangangalagang hukuman ay maaaring magsagawa ng malayang pagtatanong ukol sa karahasang pantahanan. Kung sa nakaraan ay nagkaroon ng karahasang pantahanan sa inyong relasyon, kailangan makipag-usap sa isang abogado tungkol sa kung paano ang batas ay makakaepekto sa inyong kaso. |
Ang lahat ng mga taong naghahanap ng impormasyon tungkol sa batas pampamilya ng Alaska na hindi kinakatawanan ng isang abogado.
Isang Mahalagang BabalaAng Self-help Center ay hindi nagbibigay ng legal na payo o kaya’y kakatawan sa inyo sa hukuman. Ang mga tauhan ng Center ay mga taong may kasanayan at walang kinikilingan, na nagbibigay ng mahalagang legal na impormasyon at mga nakapagtuturong materyales bilang serbisyong pampubliko. Walang mamagitang relasyong abogado-kliyente sa pagitan ninyo at ng tauhan. Hindi maipapalit ang Center sa gawain ng atorni, at hindi ito magpapayo sa inyo ng pamamaraan o ipaaalam sa inyo kung ano ang inyong sasabihin sa hukuman. Kayo ay hinihikayat na hinggin ang mga serbisyo ng isang pribadong abogado para sa legal na payo o pamamaraan. Ang inyong mga pakikipag-usap sa tauhan ng Center ay hindi kompidensiyal at ang tauhan ay maaaring tumulong sa inyong panig at sa kabilang panig. Ang mga tauhan ng Center ay hindi maaaring gumanap para sa kapakanan ng hukuman o sa sinumang hukom. Ang hukom sa inyong usapin ay maaaring humiling sa inyo na palitan ang isang pormularyo/ form o ibigay ang iba. Hindi kailangang ipagkaloob ng hukom ang inyong kahilingan. |
Ang Center ay nagbibigay ng mga serbisyo sa 2 pamamaraan:
Mga Oras ng Teleponong Helpline: |
|
| Lunes - Huwebes: | 7:30 n.u. - 6:00 n.h. |
(907) 264-0851
o, kung kailangan ninyo ang libreng tawag at kayo ay tumatawag sa telepono sa Alaska:
(866) 279-0851 (Sa Alaska, ngunit sa labas ng munisipalidad ng Anchorage)
Ang mga kawani ng Center ay hindi nakikipagkita sa mga kliyente sa opisina. Kinakausap lamang sila sa telepono.
Kung kayo ay tatawag, ipapaliwanag ng kawani kung ano ang maaari naming gawin at hindi magagawa. Pagkatapos, tatanungin namin kayo ng ilang pangkaraniwang mga tanong upang higit na maunawaan kung ano ang nangyayari sa inyong usapin. Ito ay makakatulong sa amin na ibigay sa inyo ang karapat-dapat na impormasyon ukol sa mga pormularyo/ forms at mga pamamaraan upang matulungan kayong harapin ang inyong usapin. Magbibigay rin ng sangguniang impormasyon ang kawani sa mga legal o hindi legal na mga mapagkukunan ng tulong. Magbibigay ang kawani ng mga kasunod na tulong kung naaangkop.
| Rev. 31 August 2011 © Alaska Court System www.courts.alaska.gov |